Friday, September 21, 2018

Introduction

Posted by Unknown at 7:31 PM

Hello,

I’m Aimee. Filipina. Gemini. Senior QA Tester.
I don’t know how to introduce myself. I usually start by saying my likes and dislikes but this time we’ll start with how people think about me.

Some people says:
  • I’m too generous.
  • I’m so gullible.
  • I’m loud.
  • I’m a jolly person.
Other says:
  • I’m ill-tempered.
  • Does not have patience.
  • Can’t decide on what to do.
Well I can say, everything is true. I don’t even know how should I describe myself. All I know is that I am me. It is difficult to know me, kasi sila na mismo ang nagsabi na ang hirap ko daw basahin. Hindi naman daw ako maattitude. Pero masungit pa din minsan.

Ano nga ba ang pananaw ko sa sarili ko. Simple lang ako. Iba iba naman kasi ang tingin ng isa’t isa sa salitang “simple”. Simple pag hindi nagmemake-up. Simple pag hindi nagpapakita ng balat. Pero anong simple nga ba ako? Simple lang ako manamit. Sinubukan kong mag-ayos, sinabihan akong wag ko daw ipilit. So in short, t-shirt, pants or shorts lang. Simple lang din ang gusto ko sa buhay. Masaya na ako sa fish ball, squid ball at kwek kwek. One of the boys din ako. Halos lahat ng kaibigan ko, lalaki. Piling pili lang yung mga babae kong kaibigan.

Hindi ako maganda. May ibang nagsasabi maganda daw ako. Nagtethank you ako. Hindi ko kasi maappreciate yung sarili kong ganda since hindi ako naniniwala sa nakikita ko sa harap ng salamin. Pero minsan pag umaandar yung pagka-optimistic ko, sumasang-ayon din akong maganda nga ako.

Hmm sa love life. Wala. Zero. Negative. Wala akong boyfriend.

Best friend, meron. Isang babae at isang lalaki na pareho kong kababata.

Traumatic experiences:
  • Matutukan ng baril at balisong habang hinoholdap yung sinasakyan ko pauwi.
  • Mainlove at maiwan sa ere.
  • Magkaroon ng madaming kaibigang babae at sa huli itatakwil ka nila.
  • Mahulog sa jeep.
I won’t go into details regarding my traumatic experiences. Sa lahat naman na yan natuto ako. I learned a lot of lessons, kaya ako na din mismo ang umiiwas para hindi na maulit ulit ang mga bagay na ganito.

Edad, hmm. 26.

Takot ba akong maging single habang buhay? Hindi. Nung una akong nagkaBF, 20 years old na ako. In 20 years, single ako. Nabuhay at naging masaya naman ako. So bakit ako matatakot maging single?

Greatest achievement in life. Siguro for now, yung ako na yung nagbabayad ng tuition ng kapatid ko. Hindi kasi madaling magpaaral ng isang college student sa isang university.

Takot ba ako sa mga flaws ko? Hindi. Ineembrace ko ang mga flaws ko. I learned to accept my flaws dahil at the end of the day, yung flaws ko yung nagtuturo sakin nang dapat kong gawin sa buhay ko. I have to adjust to make things happen.

Kelan matatapos tong mga sinasabi ko? Ngayon na.

0 comments:

 

Aimee's Corner ♥ Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea